The Philippine's Biggest Joke Depository
Get a Joke Everyday in your e-mail

 

HOME

 

JOKE ARCHIVES

 

  January 3rd  Week

 

Jan 22, 2000

Painter daw

Matagal nang naghahanap ng trabaho yung bagong saltang Pinoy. Nakakita siya ng posibilidad sa "Help Wanted" section ng Classified Ads. "Wanted - Painter of Porch". Aba!, sabi nung Pinoy sa sarili... OK ito! Sa Pilipinas, e marami na akong pininta; yung libingan ng lolo ko, yung pader ng lumang bahay namin, yung kulungan ng mga baboy ng tiyo ko - pwede palagay ko ako rito!

In-explain nung Kano na nangangailangan ng pintor: "I need to have my porch painted, all in one day. The work involves scraping all the paint up to the bare surface, applying a coat of primer and two final coats of orange paint. Can you do this?"

Sagot nung Pinoy nung ininterbyu siya ng Kano... "Sir, yes sir. I can kaskas... I mean, remoob paint en apply paint beri well."

"Okay!", sabi nung Kano. "You've got the job! Everything you'll need has been unloaded from the trunk of the car."

Tatlong oras pa lang, narining na nung Kano na kumakatok yung Pinoy sa pinto niya. "Sir... Pinis oreydi".

"Wow!" sabi nung Kano. "You finished the job in three hours. Are you sure you scraped the old paint to the bare surface?"

"Sir, yes sir. I tanggalated all the old paint." sagot nung Pinoy.

"Then, you deserve a bonus! Here's another 20 bucks." sabi nung Kano.

"Sir, tenkyu sir." wika nung Pinoy. "Pero sir, you don't heb a porch... your car is a BMW..."


Jan 21, 2000

Dan Balikbayan from Bicol

Dumating si Dan sa Amerika sa tuloNg nang kanyang kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.
Eh minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," Sabi ni kumpareng itinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse, at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa mall, lumbabas ka naman ng bahay nang malibang ka naman. Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono sa opisina, papasok na ako."
Eto na po, dahil na siguro hiyang-hiya na rin si Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos ang kulokoy, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si tarantado (Dan) sa pamamasyal sa mall. Nakapili ng damit na gusto niya, pero pagdating sa cashier, biglang tanong sa kanya Sir! Visa, or MasterCard!? 
Biglang nataranta at natakot si Dan, todo-panic ika nga! Karipas ng takbo palabas si Dan, dahil sa takot! "Aba!, tinamaan ng lintik at hinahanap ang visa ko!" sabi ni Dan, "Baka nabisto na ako!, Shet!" Sakay kaagad siya nang kotse ni kumpare, haruruot!. Kaso, halos wala nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglagay siya nang gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir!, pay first
please!".
"Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!" Nagtatakbo si Dan sa maga eski-askinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa pay phone.(hingal)Kailangang...(hingal) ... matawagan ko .... (hingal) si Kumpare ... (hingang malalim, sabay lulon) para masundo niya ako rito ... (hingal).
Pagtaas niya ng telepono, narinig niya, "AT&T, how may I help you?"... ..... "Aba, Anak ng putakteh!, alam na TNT ako! Buking na ako!" Pagbaba niya ng telepono, may amerkanong nakatayo sa likod niya, ang tanong ba naman.....
"Are you done?". Napahandusay si Dan sa phonebooth. Biglang bulalas,
"Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Sa gulat ng amerkano ..... "Hey! be cool, man!", "Hinakupo," sabi ni Dan, "Alam pa kung taga-saan ako!".
Sa matinding takot at nerbiyos ni Dan, nagpahuli na lang siya. Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan siyang si "Dan Balikbayan".


Jan 20, 2000

A filipina was in a flight to the the US and at some point the flight the attendant was serving salad to the passengers and so she came back after a few minutes and asked the filipino, "How's the dressing?" (referring to the salad), and the filipina replied, " OH, MY CLOTHES ARE VERY COMFORTABLE THANK YOU."

When Alma Moreno was in McDonalds ordering food she was asked if it was FOR HERE OR TO GO and she replied, " NO ITS FOR VAN DOLPH"

In the news it was mentioned that Erap was gonna buy Philippine AirLines and that he's gonna call it ERAP-plano!


Jan 19, 2000

Paano mo mapapagkasya ang 71 katao sa isang kotse at tumatakbo pa kayo ng 120 Mph.
Ganito 'yun: Iyung dalawang tao nasa likod ang nag-si-sixty nine, then plus driver and watcher.

Paano mong malalaman kung walang panty ang madre?
Pag nakita mo iyong itim na sapatos niya na may balakubak.


Jan 18, 2000

Civilized na

IDOT: "Kumusta na? Long time no see ah!"
BONI: "Kararating ko lang galing sa Africa."
IDOT: "Africa?"
BONI: "Doon kami nadestino."
IDOT: "Hindi ba maraming cannibals doon?"
BONI: "Nakakatakot nga, pero mga edukado na ngayon sila."
IDOT: "Hindi na ba sila kumakain ng tao?"
BONI: "Nangangain pa rin ng tao, pero gumagamit na ng kutsara!"


Jan 17, 2000

Last Wish

Katatapos lang basbasan ng pari ang isang presong nakaupo sa silya-electrika.
PARI: "Mayroon ka bang nais na hilingin bago ka bawian ng buhay?"
PRESO: "Opo."
PARI: "Ano yon, anak?"
PRESO: "Pwede po bang hawakan n'yo ang kamay ko hanggang bawian ako ng buhay?"


Jan 16, 2000

During a press conference on morality...
Reporter: Sir, how many women do you believe must a man marry?
Erap: 16 !!!
Reporter: Why???
Erap: Because the priest says:
Four richer, four poorer, four better, four worse.


One particular day many years ago, Erap's wife was having labor pains.
Erap panicked so he called their doctor.
Erap: Hello, doc. My wife is in labor!
Doc: Is she in a lot of pain?
Erap: Yes, doc!
Doc: Is this the first baby?
Erap: No, doc. This is Erap!

BACK
                                      

 

Copyright 1999 Philhumor.com All Rights Reserved
PHILHUMOR.COM
Makati City
Philippines